Entry: ... No more unnecessary activities. November 15, 2005



Mag-aaral na talaga ko. Kanina, nakilala ko na lahat ng bago kong Professors this sem... Ang SADISTA nila! Gawd. Lahat sila, "I'm very strict about the attendance, I give students singkos, Turn-off your phones, I hate distractions, I give surprise quizzes, you have to recite in my class, be aware of the university rule on absences, if you don't like my subject, drop it asap." Blahblah. Tapos, lahat sila, parang galit sa tao.

- Bading ang Prof ko sa CommII. Masungit sha. Mahilig mambara, galit sa babae, pinag-iinitan ang mga maganda, may favoritism -- mahilig sa gwapo.

- Si Sir Jal ang Prof ko sa PolSci11, ang aming Major subject. Mabait sha, pala-kwento, pero stricto din. Mahilig magpa-recite, andaming requirements. Pero dahil bahista sha ng Sugarfree, sinisipag parin ako sa subject nya... Hindi rin ako inaantok dito, sa sobrang starstruck.

- Bading ulet ang teacher ko sa NatSciII. Sadista personified. 10 minutes late, may punishment ka na. Nagpapaluha daw ng dugo sa test, mahilig magpa-recite, nakakatawa, moody, maraming pinapagawa. Pero mukang magaling magturo.

- Prof ko sa Psych, medyo nakakaantok.

- Prof ko sa Philo, parang speakers na tinubuan ng tao. Kahit asa pinakalikod na ko ng classroom, buong-buo ang boses nya sa tenga ko. Kahit sarili kong konsensya, hindi ko na marinig dahil sa lakas ng boses nya. Pero muka naman shang alive magturo.

- Bata pa ang teacher ko sa Math11. Mukang mabait. Nakikipagkulitan. Di ko lang alam kung magaling na sha magturo.

- Prof ko sa PE, hindi parin nagpaparamdam.

... Sa sobrang expectations at pagka-sadista nila, parang napipilitan akong mag-aral at sinisipag ako. Kaya simula ngayon, magpapaka-GC na talaga ko. Wala munang dota, wala munang lalake.

   Balak ko nga rin palang ipaputol ang DSL ko, at i-surrender ang dalawang cellphone ko kay Mommy. Kelangan ko mag-concentrate. Dapat talagang walang distractions.

Kakalimutan ko muna na lagi akong kinikilig dahil sakanya, kakalimutan ko na malapit na ko mainlove, kakalimutan ko muna na nalungkot/nasaktan parin ako, kakalimutan ko muna na ang internet ay ang buhay ko. Aalisin ko muna sa priority ang dotA.

Sana, wag ako tamarin. (So help me God.) Pero wag din sana ko masiraan ng bait. =/

   3 comments

Alpha
November 18, 2005   09:22 PM PST
 
Bio ba ang first half niyo sa NatSci2 ngayon? Sino prof niyo?
robby
November 18, 2005   03:10 PM PST
 
talaga lang ha?? hehe, joke. kaya mo yan. kaya, good luck!

ako ren, pareho tayo ng problema. distractions! grabe nga e, pati mga vices ko kasama sa schedule ko e. hindi ko nga lang kayang bitiwan =(. i just have to leave with it siguro. hihi.

ayun, daan lang. ingat ka :D
lyka
November 16, 2005   05:14 AM PST
 
ugh, parang masaklap ngayon ang set of teachers mo ah... mga bading na mahilig sa gwapo na galit sa mga magaganda? nako... dehado ka ah! ahahaha.

pero kaya mo yan! wag ka lang magaayos sa sarili... o diba, two birds with one stone. para di ka na paginitan ng prof, di ka pa attractive sa boys.

hehe. go ia! kaya mo yan! you can do it!

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments